Hindi magkamayaw na fans ang sumalubong kay Kapamilya actress Andrea Brillantes sa kanyang unang mall show sa loob ng dalawang taon sa Roxas City sa Capiz.

All smile at nakikipagkamay pa sa kanyang fans ang aktres sa kanyang entrada sa mall.

Makikita ang apat na security personnel, liban pa sa ilang unipormadong pulis, para bantayan ang seguridad ng aktres na napalilibutan ng nagsisigawang fans.

Lalo lang lumakas ang hiyawan nang tumuntong sa stage ang aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Sa ibinahaging snippet sa kanyang Facebook page, kinanta ng aktres ang hit ng This Band na “Kahit Ayaw Mo Na.”

Ang mall show na ito ang kauna-unahang mall show ng aktres matapos ang dalawang taong pagbabawal sa live gatherings dahil sa pandemya.