Inaresto ng mga pulis ang tatlong babae at kasama nilang isang lalaki sa naganap na buy-bust operation sa Las Piñas City nitong Sabado, Mayo 14.
Kinilala ni Col. Jaime Santos, city police chief, ang mga suspek na sina Adela Austriaco, 63; Angelita Borromeo, 43; Abegail Catamora at Franklin Mendigo, 31, lahat sila ay resident ng Las Piñas City.
Ayon kay Santos, naaresto ang mga suspek ng operatiba ng Las Piñas Station Drug Enforcement Unity (SDEU) kanilang 1:45 ng madaling araw sa Avocado St. sa Barangay CAA, Las Piñas City.
Nakumpiska sa mga suspek ang P85,680 halaga ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 12.6 grams, drug paraphernalia, aluminum foil, isang disposable lighter, at P300 na ginamit bilang buy-bust money.
Nakakulong na ngayon sa Las Piñas City Police at kakasuhan sila ngillegal possession of drugs.