Wala pang nakikitang biglaang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa, ayon kay National Task Force Against Covid-19 special medical adviser, Dr. Ted Herbosa.
“Well,we’rewaiting. It’s because the incubation period for any outbreak to happenaywithin three to five days.Iyan ang sabi ng ating mgainfectious disease specialists. So ito na iyon,this timeiyong puwedeng dumami angnumber of cases. Apparentlywala tayong nakikita ‘no naoutbreaks or surge new cases which is good and which might reflect the high rate of vaccination that we attained with the vaccination program,” anang opisyal.
Binabantayan din aniya ng NTF ang magiging lawak ng pinsalang maidudulot ngOmicron BA.2.12.1, at iba pang sub-variants nito sa ibang bansa dahil mas nakahahawa umano ito kumpara sa iba pang Covid-19 variants.
“So, ito iyong ating mga binabantayanandito kasiare more infectiousat mayvaccine escape and that’s whynagpu-pushtayo noongbooster shotng ating mga kababayan.Kasi kung magkaroon man tayo ngoutbreak, the outbreak will most likely bedoon sa mga lugar na mababa angvaccination status," anito.
Sa pinakahuling datos ng NTF, aabot na sa 68,526,134 na Pinoy ang nakakumpleto na ng dalawangtwo primary series ng Covid-19vaccine kung saan 13,519,545 sa mga ito ang nakatanggap na ng unang booster shots.
Idinagdag pa ng NTF, mas mababa ng 19 porsyento ang mga bagong kaso ng sakit simula Mayo 3-9 dahil aabot lamang sa 159 ang daily cases nito kumpara sa nakaraang linggo na nasa 196 na kaso.
PNA