Kahit na hindi nanalo ay dapat pa ring patuloy na maglingkod sa bansa at sa mga tao, ayon kay dating Senador Antonio "Sonny" Trillanes IV.

"It was such an honor to be in the company of patriots. We shall continue to serve our country and people," ani Trillanes sa kaniyang tweet nitong Biyernes, Mayo 13. May kasama itong larawan kasama sina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan at ang iba pang nakasama niya sa senatorial slate ng Leni-Kiko tandem.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

https://twitter.com/TrillanesSonny/status/1525035526163922945

Matatandaang nag-concede na si Trillanes sa senatorial race noong Mayo 11 nang hindi siya makapasok sa magic 12 ng Senado.

"Ako at ang grupong Magdalo ay buong pusong tinatanggap ang desisyon ng sambayanang Pilipino. Hindi man pabor sa amin ang resulta, pero ramdam namin na buhay na buhay ang diwa ng Demokrasya sa ating bansa. Pinili ng mga Pilipino ang mga gusto nilang maging leader ng ating bansa," aniya sa kaniyang tweet noong Mayo 11 dalawang araw matapos ang halalan 2022.

"It may have been the most emotional campaign in our history, but it still turned out to be the most peaceful. Sa dakong huli, magkakaiba man ang ating paniniwala, lahat pa rin tayo ay mga Pilipino.

"Nagpapasalamat din kami sa lahat ng sumuporta at nagtiwala sa amin simula pa nung una kaming lumabas sa publiko nung 2003. Patuloy kami na maninilbihan para makatulong sa pag-unlad at pagbabago na hinahangad ng ating mga kababayan."