Ibinalita ni presumptive Senator Robin Padilla na si Salvador Panelo ang kaniyang magiging legislative consultant, adviser, at mentor pagdating sa Senado.

Matatandaan na tumakbo ngayong eleksyon 2022 si Panelo bilang senador ngunit bigo itong nakapasok sa 'Magic 12' ng Senado sa partial at unofficial vote count ng Comelec.

"Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa senado. Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution," saad ni Padilla sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Mayo 13.

"Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado. Isa lang ang sinigurado namin dalawa. Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago. Walang makakapigil sa rebolusyon," dagdag pa niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"Si SALVADOR PANELO ang aking legislative consultant, adviser at mentor. Walang tatalo kay Sal panalo panelo!" pagbabahagi pa ng aktor.

Kasalukuyang nangunguna si Robin Padilla sa partial at unofficial vote count ng Comelec sa pagka-senador.