Magsasagawa na ng imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng pagpalya ng mga vote counting machines (VCMs) nitong May 9 national elections, alinsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"In view of the call of the President to investigate the defective VCMs during the election last Monday, Comm. [Marlon] Casquejo, the head of the steering committee, will convene the CAC (Comelec Advisory Council) and the PMO (Project Management Office) to get to the bottom of this issue," pahayag ni Comelec Commissioner George Garcia sa mga mamamahayag nitong Biyernes.

Nitong nakaraang Lunes, umabot sa 915 na VCMs ang pinalitan ng Comelec matapos pumalya kaya nagresulta sa paghaba ng pila ng mga botante na mahigit sa apat na oras na naghintay.

Kahit naman naniniwala si Duterte na walang naganap na dayaan, umapela pa rin ito sa Comelec na imbestigahan ang usapin upang mawala ang agam-agam ng publiko.

National

DepEd, pinabulaanang tatanggalin K-12 sa S.Y 2025-2026

Umabot sa 106,000 VCMs ang ginamit ng gobyerno sa nakaraang eleksyon.