Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Major General Felipe Natividad na tatalima sila sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge, Lieutenant General Vicente Danao Jr. na imonitor ang mga aktibidad sa katatapos lamang ng nasyonal at lokal na eleksyon upang siguraduhin ang katahimikan at kaayusan sa Metro Manila.

Sinabi ni Lt. Gen. Danao na inatasan na nito ang mga pulis na magpatupad ng maximum tolerance sa mga kaganapan ng mga demonstrasyon o rally upang magpakita ng protesta sa resulta ng halalan.

“We understand the sentiment of the supporters and we respect the citizen’s right of self expression. However, we are appealing to the concerned groups to refrain from engaging in activities that can instigate and disrupt peace and order in the community,” sabi ng PNP OIC.

Muling ipinanawagan ni Danao na maging vigilante sa mga pagtitipon ng mga tao kung saan dapat na pinaiiral pa rin ang safety at health protocols.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

“Now is another opportunity to show goodwill by being responsible citizens of this country. The essence of real democracy is grounded on respect and discipline fostering the general welfare of the Filipinos,” sabi ni Danao.

Binigyang-diin pa ng PNP ang pagkilala nito sa napakahalagang partisipasyon ng mga Pilipino  upang protektahan ang kanilang    mga boto at daan sa pagkamit ng mapayapang halalan.

“Lubos ang aming pasasalamat sa taong bayan na nagkaisa sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang pagpapasya at karapatang magluklok ng mga pinuno ng ating bansa at lubos ang aming paggalang dito. Dama namin ang inyong kooperasyon upang maging tahimik at ligtas ang ginanap na halalan,” ani MGen Natividad.