Isinapubliko na ng Philippine Basketball Association (PBA) nitong Biyernes ang kanilang pinal na listahan ng mga draftee na isasalang sa Rookie Draft sa Robinsons Place Manila sa Ermita sa Linggo.

Sa 66 na aplikante, hindi kasama sina Filipino-American Sedrick Barefield at Justice Baltazar ng De La Salle University.

Binawi ni Baltazar ang kanyang aplikasyon nitong Huwebes dahil nakatakda umano itong maglaro sa Japan B.League habang si Barefield ay nabigo namang magharap ng kopya ng kanyang pasaporte sa liga.

Dahil sa pagkawala nina Barefield at Baltazar, posibleng maging top overall pick siFil-Am forward Brandon Ganuelas-Rosser.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama rin sa aplikante ang big man na si Justin Arana ng Arellano University, Shaun Ildefonso, JM Calma at Encho Serrano na nagpakitang gilas sa naganap na PBA Draft Combine nitong nakaraang linggo.

Sa naturang rookie draft, unang pipili ang Blackwater, susunod angTerraFirma Dyip. Ikatlong pipili naman ang Converge, ikaapat ang Rain or Shine at ikalima naman ang NorthPort.

Ikaanim naman ang NLEX, susunod ang Ginebra,Blackwater, Rain or Shine, at babalik ang Blackwater at Magnolia.