Naaresto ang isa pang miyembro ng Abu Sayyaf Group, na sangkot sa 2002 kidnapping at ng Lamitan Siege, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City, anunsyo ni Southern Police District Director Brig. General Jimili Macaraeg nitong Biyernes, Mayo 13. 

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Omar Bin Harun, alyas Airola, 52, security guard at naninirahan sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City.

Ayon sa impormasyong natanggap ng awtoridad mula sa confidential informant na darating si alyas Airola-Adjustable sa NAIA Terminal 2 dakong 5:00 ng hapon noong Mayo 10 galing ng Malaysia via Philippine Airlines gamit ang isang Malaysian passport sa ilalim ng pangalang Omar Bin Harun. 

Agad nagtungo ang mga tauhan ng District Intelligence Division-SPD sa nasabing airport habang bitbit ang isang kopya ng Warrant of Arrest at nakipagtulungan sa Bureau of Immigration at Aviation Security Group and Airport Police. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa pagdating ni Airola-Adjustable kaagad siyang pinigil para sa beripikasyon sa tanggapan ng BI Port Operation Center. 

Sa isinagawang custodial debriefing kumilitae na ang akusado ay isang Pilipino at gamit nito ang Malaysian passport upang itago ang tunay niyang pagkakakilanlan.

Batay sa records ng BID, Omar Bin Harun alyas Ariola-Adjustable ay nakalista sa Terrorist Screening Center (TSC) ng Federal Bureau of Investigation kaya naantala ang kanyang warrant of arrest at kinailangan pa ang lifting of exclusion mula sa Office of the Commissioner na mabilis na hiniling ni Major Renante Galang, OIC ng DID-SP, gayundin sa Department of Justice sa pamamagitan ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong para sa pagkakakilanlan ni Airola-Adjustable ng isa sa kanyang naging biktima na nasa kustodiya ng Witness Protection Program ng DOJ. 

Bandang 9:45 ng gabi nitong Mayo 12  nang arestuhin ng mga tauhan ng DID-SPD, RID-NCRPO, Joint Task Force AFP, Office of the Commissioner, BID, Port Operation Division of BID, Aviation Security Group at Airport Police Department si alyas Airola-Adjustable na may standing Warrant of Arrest na inisyu ni Pasig RTC Branch 266 Judge Toribio Ilao Jr. noong Nobyembre 5, 2009 para sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention with Ransom nang walang inirekomendang piyansa ang korte laban sa akusado. 

"A victim-witness positively identified Airola-Adjustable through photograph and issued a Sworn Statement that indeed he is one of her abductors along with other Jehovah’s Witness on August 2002," pahayag ni BGen Macaraeg.

Dinala ang akusado sa DID. Si Harun ang ikaapat na ASG member sa ilalim ng lider na si  Radullan Sahiron na nadakip ng Police District, bukod pa kina Taupik Galbun y Gaffar, alyas Pa Wahid, Saik Galbun y Gaffar alyas Pa Tanda at Dumayag Alih y Fahad, alyas Abu Cola na pawang natimbog sa Taguig City noong Hulyo 2021 at noong Pebrero 2022.

"SPD in coordination with other law enforcement agencies is conducting thorough investigation and intelligence gathering to determine the reason for his return to the country considering he is a fugitive wanted by law," pagtatapos ni Macaraeg.