NUEVA VIZCAYA - Inarsto ng pulisya ang limang pinaghihinalaang illegal loggers sa Barangay La Torre, Bayombong nitong Huwebes.

Under custody na ng Nueva Vizcaya Provincial Police Office (NVPPO) sina Leonardo Navarette, 42; Noa Diyadi, 50; Reynaldo Chamona, 44; Marvin Culpa, 23, at Noel Diyadi, 23, pawang taga-Brgy. Bansing, Bayombong.

Sa ulat na natanggap ni NVPPO information officer Maj. Nova Lyn Aggsid, ang limang suspek ay naaktuhang ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng NVPPO at Bayombong Municipal Police habang pumuputol ng mga puno kahit wala silang permiso  sa Nagragadian, Brgy. La Torre nitong Mayo 12.

Nasamsam sa mga suspek ang isang truck (BAC-382), mga naputol na kahoy na aabot sa 300 board feet at isang chainsaw.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Paliwanag ng pulisya, agad silang nagsagawa ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na namataan ang mga suspek na namumutol ng puno sa lugar.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek.