Nagbago ang venue ng Thanksgiving Gathering ni Vice President Leni Robredo nitong Huwebes, Mayo 12, isang araw bago ang naturang pagtitipon, dahil hindi nagbigay ng permit ang lokal na pamahalaan ng Quezon para sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle-- na orihinal na venue.

Gaganapin na ang "Tayo Ang Liwanag: Isang Pasasalamat" sa Ateneo de Manila University sa Loyola Heights, Quezon City sa Biyernes, Mayo 13 dakong alas-5 ng hapon. 

"Magbabago ang venue ng ating Thanksgiving Gathering bukas, Biyernes, ika-13 ng Mayo 2022, alas-5 ng hapon. Alinsunod ito sa desisyon ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon na hindi magbigay ng permit para sa orihinal na venue (Quezon Memorial Circle)," saad sa Facebook page ni VP Leni Robredo.

"Bagamat ikinalulungkot namin ito, iginagalang namin ang pasya ng lokal na pamahalaan. Nananabik kaming makasama ang mga kaibigan, kapwa-volunteer, supporter, at kapwa Pilipino sa Ateneo grounds bukas," dagdag pa nito.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Inaasahan din ang pagdalo ng running mate ni Robredo na si Senador Kiko Pangilinan.

Samantala, nauna nang naglabas ng pahayag ang Quezon City Government tungkol sa nasabing pagtitipon.

Ayon sa lokal na pamahalaan, hindi raw "ideal" na venue ang Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle.

"After an extensive dialogue between the Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) and the event organizers of "Tayo Ang Liwanag: Isang Pasasalamat" thanksgiving activity, it was decided that the Liwasang Aurora in Quezon Memorial Circle was not an ideal venue to hold tomorrow's planned gathering," anang LGU.

"The QC-DPOS explained that the presence of an enormous crowd (without the benefit of a previously-arranged crowd control plan) on a weekday would cause massive traffic jams, countless stranded commuters, and a significant risk to overall public safety. Given this, the pending permit request for the event was not granted, and the organizers understood and respected their decision," dagdag pa nito.

""Tayo Ang Liwanag: Isang Pasasalamat" will now be held at the Ateneo De Manila University in Loyola Heights, Quezon City, as scheduled."