Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng ilang pangunahing bilihin sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Sa pahayag ng DTI, kabilang sa inaprubahan nilang dagdagan ng presyo ang ilang brand ng sardinas, karneng de-lata, gatas, instant noodles, asin, detergent soap, sabong pampaligo, at kape.

Naglalaro sa P0.25 hanggang P1.50 kada item ang dagdag na presyo ng ilang pangunahing bilihin, sabi ng nasabing ahensya.

"We studied the raw materials nasinubmitnila, 'yongmga ginagamit talaga for producing these products and we saw the increases," ayon naman kay DTI Undersecretary Ruth Castelo sa isang television interview.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Aniya,dumaan sa matinding pag-aaral ang lahat ng hirit na dagdag-presyo na kapag hindi naman pinagbigyan ay may negatibong epekto sa mga manufacturer.

"'Pag nagtuluyang magsara ang mga negosyong 'yan, totally mawa-wipe out ang kanilang labor force kaya hindi rin talaga natin puwedeng pigilin na magtaas sila ng presyo kung kailangan talaga," sabi pa nito.