Naitala ang pinakamamabang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas nitong Miyerkules, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Sa pahayag ng DOH, bumaba na sa 109 ang bagong kaso ng sakit nitong Mayo 11.

Dahil dito, umabot na sa 3,687,428 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Gayunman, nasa 3,328 na lang ang aktibong kaso ng sakit sa Pilipinas.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Naitala rin ng DOH ang kabuuang 3,623,661 na nakarekober sa sakit habang umabot na sa 60,439 ang binawian ng buhay simula noong Abril 2020.

Sinabi pa ng ahensya na nakapagtala sila ng mataas na bagong kaso ng sakit sa Metro Manila, Region 4A at Region 3 sa nakalipas na dalawang linggo.