Muling hinihikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na tangkilikin ang libreng sakay na alok pa rin ng Pasig River Ferry Service (PRFS).

Ayon sa MMDA, ito ang alternatibong transportasyon na ligtas, mahusay, at iwas-traffic. 

Magtungo lamang sa ano mang istasyon ng PRFS  na malapit at doon sumakay nang libre.

Sa Pasig City ay may istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan; Guadalupe at Valenzuela stations sa Makati City; Hulo station, Mandaluyong City; at Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Quinta, at Escolta stations naman sa lungsod ng Maynila.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Para sa buong detalye ng schedule at passenger guide ng PRFS, i-click lamang ang link na ito: https://mmda.gov.ph/.../5086-pasig-river-ferry-service.html