Nakatanggap ng ayuda ang mga magsasaka at mangingisda sa Nasugbu, Batangas kaugnay ng isinasagawang donation drive ng Chinese Embassy sa Pilipinas, sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Partikular na nakinabang sa tulong ng Embahada ng Tsina ang mga miyembro ng Nasugbu Farmers and Fisheries Federation.

Kabilang sa ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang basic necessities, care packages at iba pang supplies na kapaki-pakinabang sa araw-araw na trabaho ng mga magsasaka at mangingisda sa lugar.

Layunin ng donation campaign ng Chinese Embassy na mapalalim pa ang pagtutulungan sa pagitan ng kanilang bansa at ng Pilipinas, maisulong pa ang local economic recovery at matulungan ang mga nangangailangan.

Probinsya

6-anyos na batang babae, ginahasa umano ng 2 batang lalaki na may edad 8 at 10

Kaagad namang nagpasalamat ang nasabing grupo ng mga magsasaka at mangingisda sa embahada sa pagpili sa kanila na maging benepisyaryo ng kanilang programa.

Kaugnay nito, umaasa naman si Chinese Embassy representative Yang Guoliang na maipagpatuloy pa nila ang layuning makatulong sa mga komunidad sa bansa para pang-araw-araw na pangangailangan.