Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) na tugisin ang nasa likod ng mga insidente ng karahasang may kaugnayan sa nakaraang 2022 national elections.

Sa kanilang pahayag nitong Huwebes, binanggit ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na nakatuon ngayon ang ahensya sa 16 na magkakahiwalay election-related incidents sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong araw ng eleksyon.

Ang hakbang ng CHR ay kasunod na rin ng pagdeklara ng Comelec ng failure of election sa 14 na barangay sa Lanao de Sur nitong Miyerkules dahil na rin sa mga nasirang vote counting machines (VCMs) at official ballots na resulta ng karahasan.

“These incidents of shootings, strafing, and use of exploding devices not only seek to sow fear and discord on the day of elections but also mar the credibility of the elections.We urge law enforcement officials to conduct follow-up operations on individuals responsible so that they may be held accountable for their crimes,” ayon kay de Guia.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Kaugnay nito, umapela rin ang CHR sa Comelec na magpaliwanag kaugnay ng naranasang malawakang pagpalya ng mga VCMs nitong araw ng halalan kaya naantala ang botohan sa ilang lugar sa bansa.

“In ensuring the credibility of the elections, the Commission on Elections has the utmost responsibility to explain to the Filipino citizenry the reasons for multiple and numerous VCM malfunctions and delay in of arrival of SD cards; provide countermeasures to ensure non-recurrence of these problems in the next elections,” sabi pa ng CHR.