Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng pag-asa na ang kahalili niya ay maglingkod sa sambayanang Pilipino nang buong puso.

"Sana 'yung manalo, whoever will come out, you have my congratulations well in advance. I am hopeful that you will serve the Filipino people with all your heart and ability and prioritize the welfare of the general public above everything," ani Duterte sa isang recorded video na Talk to the People na inihatid noong Miyerkules ng gabi ngunit ipinalabas noong Huwebes ng umaga.

Ginawa ni Duterte ang pahayag, dahil kinikilala niyang mayroon nang "malinaw" na mga nanalo sa halalan ngayong taon.

Hinikayat niya ang kanyang mga kapwa Pilipino na tanggapin ang mga nangungunang kandidato, lalo na ang presumptive President-elect, kung sino man ito.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Aniya, "I thank and congratulate the Filipino people. You made the elections successful because you have made your will known by performing your sacred right and duty to vote. Welcome the new president, kung sino man iyan, sa Malacañang."

Ikinatuwa ni Duterte na naging mapayapa ang pagsasagawa ng pambansa at lokal na halalan noong Mayo 9, 2022.

Kumbinsido din siya na walang nangyaring dayaan sa elektoral, kahit na tila nakamit ng bansa ang record para sa pinakamabilis na electric vote count ngayong taon.

"Our generation is very lucky. We are in a situation where the electronics ruled the day and we have an election that was madali ‘yung counting. Then the transmission of everything that is needed to complete the election processes almost over," aniya.

Pinuri ni Duterte ang Commission on Elections (Comelec) sa mabilis na paghahatid ng resulta ng halalan.

Pinasalamatan din niya ang mga poll workers at volunteers sa kanilang partisipasyon sa pagtiyak ng maayos na pagsasagawa ng halalan.