Magtatalaga si presidential frontrunnerFerdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ng mga kaanak sa Gabinete basta kwalipikado ang mga ito.
Ito ang pahayag ng tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.
Ayon kay Roidriguez, igagalang pa rin umano ni Marcos ang mga ipinagbabawal ng Konstitusyon at ng Civil Service Law.
"Kung qualified naman at wala naman prohibition sa ilalim ng ating batas, hindi naman siguro tama na qualified at magaling ang tao, magaling magserbisyo, dahil lang kamag-anak mo na malayo eh disqualified na," lahad ni Rodriguez.
"For as long as he will not be violating any law, for as long as the person, a distant relative, or a relative is competent, I don't see any reasons why he or she is not given a position. Kawawa naman 'yung serbisyong makukuha sana natin kung magaling naman talaga," pagdidiin nito.
Bubuo aniya si Marcos ng transition team at pinag-aaralan na rin nitong mapanatili sa puwesto ang ilang miyembro ng Gabinete ng kasalukuyang administrasyon.
Si Marcos ay nakakuha ng mahigit sa 31 milyong boto nitong Lunes.
"If they can still render service in some other capacity absolutely he will consider," paliwanag nito.
Ipagpapatuloy din aniya ni Marcos ang "Build, Build, Build" program ni Duterte at iba pang proyekto ng kasalukuyang administrasyon.
Aminado rin si Rodriguez na magkakaroon ng "political appointees" sa Gabinete ni Marcos.