Hindi pinalampas ng mga netizen na UniTeam supporter ang anak na babae ni Gary Valenciano na si Kiana Valenciano matapos nitong magkomento sa tweet ni Direk Paul Soriano, mister ni Toni Gonzaga, na isa sa mga tagasuporta ng BBM-Sara tandem, at naging direktor ng campaign materials at maging ng ilang programa sa sorties ng UniTeam.

Nitong Martes, Mayo 10, ay nag-tweet si Direk Paul ng "#HereComesTheSon and I say It’s all right ✌🏼🇵🇭" na tumutukoy kay presumptive president Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

https://twitter.com/paulsoriano1017/status/1523958033851686913

Nagkomento rito ang anak ni Gary V.

"Used to look up to you," aniya.

https://twitter.com/KianaVee/status/1524009083367346178

Hindi naman tumugon dito ang direktor ngunit tinadtad siya ng komento ng mga netizen na karamihan ay UniTeam supporters.

"Why is it so hard to accept the decision of others? Like accept defeat."

"As if relevant si Kiana sa buhay ni Direk Paul. Hindi ka nag-eexist sa buhay nila habang ikaw ma-stroke ka na diyan sa sama ng loob mo."

"Ganyan ka ba kababaw? Same lang naman din kayo sinusuportahan kung sino related sa inyo. Binash ka ba? Ay oo nga sino ka ba naman, verified lang dahil sa ama. Kung makapag-rally kayo akala n'yo matagal nang voter eh first time voter nga Papa mo di ko alam if voter ka rin ba rito."

"And now 'di na? Just because you have different opinion? Hirap ng politics sa Pilipinas, kaya nito sumira ng mga matatagal na relationships. Yung mga magkakaibigan/magkakamag-anak, nag-away-away just because we cannot seem to respect the opinion of others. Pag di katulad, kaaway agad?"

"Self-righteous, entitled. Who is asking for your respect?"

Matatandaang inulan din ng kritisismo ang kapatid nitong si Gab Valenciano sa pagiging aktibong performer nito sa mga Kakampink rallies, gayundin ang ama nilang si Gary V na first time voter lamang daw.

Ang pinsan naman niyang si Kakie Pangilinan ay kinuyog din ng mga netizen dahil sa pahayag nitong hindi kikilalaning presidente si BBM. Nagbigay ng assignment sa kaniya ang UP professor na si Prof. Clarita Carlos.