Ibinahagi ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang kaniyang Instagram post kung saan makikita ang ilan sa mga kuhang litrato niya sa naganap na miting de avance ng UniTeam sa Parañaque City noong Mayo 7, 2022.

Ito ang latest IG post ni Toni patungkol sa kaniyang desisyong tumindig at suportahan ang UniTeam, sa pangunguna ng ninong nila sa kasal ng mister na si Direk Paul Soriano, na si presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos, at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

View this post on Instagram

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

"In the end…. Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up…. Alone," ani Toni sa kaniyang caption.

Nagkomento naman dito ang kapatid na si Alex Gonzaga, gayundin ang misis ni UniTeam senatorial candidate Robin Padilla na si Mariel Rodriguez, na nangunguna ngayon sa senatorial race.

"Bilib na bilib kami sa'yo. Mas lalo kami humanga sa'yo. YOU ARE ONE OF A KIND!!!! Congratulations!" wika ni Mariel.

Nagkomento rin si Tingog partylist at kapwa BBM-Sara supporter na si Karla Estrada.

"❤️❤️❤️❤️❤️ 🔥🔥🔥🙌🙌🙌 you won’t stand alone! Never!" saad ni Karla.

Matatandaang nagsimulang ma-cancel si Toni nang i-guest niya sa Toni Talks si BBM noong Setyembre 2021.

Mas lalo pa siyang nakatanggap ng katakot-takot na bashing nang maging host siya ng proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero 2022; kinabukasan, nagbitiw siya bilang main host ng reality show na 'Pinoy Big Brother'.

Simula noon ay tinawag na 'The Unbothered Queen' si Toni.

Pinagtatawanan din ng ilang mga tagasuporta ng ibang partido ang kaniyang 'Roar' at 'Titanium' performances sa mga sortie.

Nagte-trending din ang kaniyang pangalan sa social media kapag nagpapahayag siya ng spiels na nagdedeklarang ang susunod na mauupong presidente at bise presidente ng Pilipinas ay sina BBM-Sara