Nagbigay ng kaniyang opinyon si re-electionist at Senadora Risa Hontiveros sa balitang si presumptive vice president at Davao City Mayor Sara Duterte ang itatalagang bagong kalihim ng Department of Education o DepEd, ayon kay presumptive president Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

"I don't know what the incoming, the presumptive vice president's track record is in Education. I would have guessed other education experts to helm that important department," pahayag ng senadora nang makapanayam ng ABS-CBN News Channel o ANC.

Aniya, mas mainam daw kung ang hahawak sa isang departamento na isa sa mga may pinakamalaking budget ay isang eksperto o dalubhasa sa edukasyon at akademya.

Samantala, sa panig naman ng kasalukuyang DepEd Secretary na si Leonor Briones, lubos nitong tinatanggap ang ideyang si Inday Sara ang susunod sa kaniyang yapak, ayon sa inilabas niyang opisyal na pahayag nitong Mayo 12.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/12/briones-tinatanggap-si-sara-duterte-bilang-deped-secretary/">https://balita.net.ph/2022/05/12/briones-tinatanggap-si-sara-duterte-bilang-deped-secretary/

"Malugod kong tinatanggap ang anunsiyo ni Presidential frontrunner Bongbong Marcos na ang papasok na Bise Presidente na si Sara Duterte ay inaasahan na maninilbihan bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon," saad ni Briones na ang orihinal na teksto ay nasa wikang Ingles.

"Handa ako at ang buong pamilya ng DepEd na magtrabaho kasama ang kaniyang grupo para sa maayos na transisyon ng pamumuno sa DepEd. Gagawin natin ang turnover ng Basic Education Plan 2030, na siyang kauna-unahan sa isang papatapos na administrasyon na mag-iiwan ng medium-term plan."

"Kampante tayo na ang DepEd ay mapapangasiwaan ng mga mahuhusay at makakaasa sa pagpapatuloy," aniya.