Hinimok ng Commission on Election (Comelec) ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon online hinggil sa eleksyon dahil may kaukulang parusa ito ayon sa batas.

Sa isang press conference, sinabi ni Commissioner George Garcia na seryoso ang Comelec sa pagsugpo ng pagpapakalat ng maling impormasyon.

"We will have to go after these people and prove to them that we are so serious otherwise this will happen, and happen, and will happen again," ani Garcia, na namumuno din sa Comelec Task Force Kontra Fake News.

Ang tinutukoy niya ay ang mga pagkakataon kung saan ang kredibilidad at integridad ng proseso ng elektoral ay "nasira" dahil sa fake news.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Binanggit ni Garcia ang Section 50 ng Omnibus election code na nagsasaad na ang sinumang gumawa ng anumang gawa ng misrepresentation o panlilinlang sa publiko ay isang election offense at may parusang hanggang anim na taong pagkakakulong.

Idinagdag niya na isa rin itong paglabag sa cyber libel sa ilalim ng Cybercrime law at falsification of documents.

Ang mga katulad na aksyon na iniulat sa Comelec ay nauna nang isinangguni sa National Bureau of Investigation (NBI), aniya.

Ani Garcia, hinihintay na lamang ng NBI ang mga pormal na reklamo mula sa Comelec.