Umaasa ang United States ng pakikipagtulungan sa susunod na Pangulo ng Pilipinas at sinisikap nito na muling pasiglahin ang pakikipag-ugnayan sa bansa sa mga pangunahing karapatang pantao at mga prayoridad sa rehiyon.

Sa isang press briefing sa Washington noong Mayo 10, sinabi ng tagapagsalita ng US State Department na si Ned Price na sinusubaybayan nila ang mga resulta ng halalan, at idinagdag na mula sa teknikal na pananaw, ang mga halalan ay "isinagawa alinsunod sa mga internasyonal na pamantayan."

Aniya, habang hinihintay nilang ideklara ang susunod na pangulo, umaasa silang "palakasin ang matatag na alyansa sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas."

“We’re monitoring the election results, and we look forward to renewing our special partnership and to working with the next administration on key human rights and regional priorities,” ani Price.

Ang kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos ay nangunguna sa partial, unofficial count na may malawak na margin laban sa karibal na si Vice President Leni Robredo.

Nang tanungin kung ang US ay may mga pangamba ukol kay Marcos bilang pangulo, sinabi ni Price, “What I can say from a technical standpoint is that we understand the casting and counting of votes to have been conducted in line with international standards and without significant incident.”

“Again, the counting is still underway. It is not for us to declare a winner. We’ll wait for the Philippines election authorities to do that,” dagdag niya.

Sa sandaling opisyal na pinangalanan ang susunod na pangulo, sabi ni Price, patuloy silang makikipagtulungan sa hinirang na pangulo sa mga ibinahaging pagpapahalaga at sa mga ibinahaging interes na nagbuklod sa dalawang bansa sa mga nagdaang henerasyon.

“It’s an enduring alliance that is rooted in a long and deeply interwoven history, shared democratic values and interests, and strong people-to-people ties between our countries as friends, as partners, as allies,” anang opsiyal.

Sinabi pa niya na ang US ay patuloy na makikipagtulungan upang isulong ang isang libre at bukas, konektado, maunlad, ligtas, at matatag na Indo-Pacific na rehiyon.

“We’ll also continue, as I said before, to promote respect for human rights and the rule of law, which is fundamental to US relations with the Philippines and in other bilateral contexts as well,” dagdag niya.

Tinanggap din ni Price si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa Washington ngayong linggo para sa US-ASEAN summit.

Betheena Unite