'Pinili ng mga Pilipino ang mga gusto nilang maging leader ng ating bansa.'

Buong puso na tinaggap ni senatorial hopeful Antonio "Sonny" Trillanes IV at grupong Magdalo ang naging resulta ng eleksyon.

Sa opisyal na pahayag na inilabas niya, sinabi nitong buong puso nilang tinatanggap ang desisyon ng taumbayan kahit hindi man naging pabor ang resulta sa kanila.

Ngunit kahit pa man naging mailap sa kanila ang puwesto, ani Trillanes, ramdam nila na buhay na buhay ang diwa ng Demokrasya sa Pilipinas.

Aniya, "It may have been the most emotional campaign in our history, but it still turned out to be the most peaceful. Sa dakong huli, magkakaiba man ang ating paniniwala, lahat pa rin tayo ay mga Pilipino."

Hindi na rin pinalagpas ni Trillanes ang pagkakataong makapagpasalamat sa kanilang taga-suporta lalo na sa mga nagtiwala sa kanya noong una silang lumabas sa publiko noong taong 2003.

Pangako ni Trillanes, "Patuloy kami na maninilbihan para makatulong sa pag-unlad at pagbabago na hinahangad ng ating mga kababayan."