Naglabas ng kaniyang saloobin ang isa sa mga anak ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo na si Tricia Robredo tungkol sa naging resulta ng halalan, batay sa partial and unofficial results na lumabas simula pa noong gabi ng Mayo 9.

Nasa pangalawang puwesto ang kaniyang ina at ang nanguna naman ay si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr.

Narito ang kaniyang buong Facebook post ngayong Miyerkules, Mayo 11:

"Woke up this morning to endless messages asking how we are. It’s honestly quite difficult to look for the right words without the risk of being misinterpreted but here’s an attempt."

"Totoong masakit at mahirap maunawaan but I don’t think it compares to the heartbreak we felt when we lost our dad. Even then, we had to soldier on – dahil maraming umaasa at may mga laban na kailangang ilaban. Hindi nawala ang sakit pero mas lalong hindi nawala ang pagmamahal. Kaya nagpatuloy. This crossed my mind throughout the day, as I tried to make sense of what has happened so far and as I navigated my way through a whirlwind of conflicting emotions."

"One of my favorite professors from college once told me, “if you want to save the world, you have to absorb all its pain. Hindi puwedeng walang aray.'"

"There’s grief that sows unproductive anger, but there’s a kind that reminds you of how fiercely you cared and that propels you to love and try harder. I see it in Mama. I see it in my sisters. That’s why I’m at peace and that’s how I also know we’ll all be alright."

"Kaya anuman ang maging resulta at anuman ang mangyari, taas-noo. Hindi dapat ikahiya ang isang pusong pagod at sugatan. Ipamalas ang pinagdaanan at ipagmalaki ang lahat ng nasaksihan."

"Walang sayang. Kapit. Nagsisimula pa lang."

Screengrab mula sa FB/Tricia Robredo

Naging aktibo ang Robredo sisters sa pangangampanya para sa kanilang ina.