Masayang ibinahagi ni Toni Gonzaga ang mga parangal na kaniyang natanggap nitong Mayo 10, 2022---ito ay ang 'Outstanding Celebrity Host' para sa kaniyang online talk show na 'ToniTalks', na ginawaran naman ng pagkilala bilang 'Outstanding Social Media Talk Show' ng Legacy Icon 2022.

"Maraming-maraming salamat Legacy Icon 2022 awards sa pagkilala bilang Outstanding Celebrity Host at sa pagkilala sa Toni Talks bilang Outstanding Social Media Talk Show..🙏🏼 #LegacyPH2022 #LegacyIcons2022," saad ni Toni sa kaniyang caption. Ibinahagi niya ang mga litrato na hawak niya ang natanggap na tropeo.

View this post on Instagram

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Pelikula

Jennylyn Mercado, naniniwalang importante sinumpaang pangako ng mag-asawa

Nagkomento naman dito ang dating co-host sa Pinoy Big Brother o PBB nais Mariel Rodriguez.

"You just keep winning 👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼 that’s my friend!!!!!!!!!" wika nito.

Ang mister ni Mariel na si senatorial candidate Robin Padilla ang nanguna sa Top 12 batay sa partial at unofficial election results.