Masayang ibinahagi ni Toni Gonzaga ang mga parangal na kaniyang natanggap nitong Mayo 10, 2022---ito ay ang 'Outstanding Celebrity Host' para sa kaniyang online talk show na 'ToniTalks', na ginawaran naman ng pagkilala bilang 'Outstanding Social Media Talk Show' ng Legacy Icon 2022.

"Maraming-maraming salamat Legacy Icon 2022 awards sa pagkilala bilang Outstanding Celebrity Host at sa pagkilala sa Toni Talks bilang Outstanding Social Media Talk Show..?? #LegacyPH2022 #LegacyIcons2022," saad ni Toni sa kaniyang caption. Ibinahagi niya ang mga litrato na hawak niya ang natanggap na tropeo.

View this post on Instagram

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Kuya Kim, birthday wish na maipagpatuloy alaala ni Emman

Nagkomento naman dito ang dating co-host sa Pinoy Big Brother o PBB nais Mariel Rodriguez.

"You just keep winning ?????????????????? that’s my friend!!!!!!!!!" wika nito.

Ang mister ni Mariel na si senatorial candidate Robin Padilla ang nanguna sa Top 12 batay sa partial at unofficial election results.