Usap-usapan ngayon ang tila sarkastikong tanong ni IV of Spades member Blaster Silonga kay actress-Tv host-vlogger Alex Gonzaga-Morada, matapos itong manawagang magkabati-bati na ang mga nagkagalit dahil sa usaping pampolitika kaugnay ng naganap na makasaysayang halalan, mula sa unang araw pa lamang ng pagfa-file ng certificate of candidacy o COC, mga sorties at pangangampanya, miting de avance, hanggang sa aktuwal na halalan noong Mayo 9.
"Sana lahat ng nag-away magkabati na," unang tweet ni Alex.
Sa pangalawang tweet naman, "Sana ay tapusin na ang bangayan dahil lahat naman tayo magkababayan. God bless the Philippines!"
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/10/hiling-ni-alex-gonzaga-sana-ay-tapusin-na-ang-bangayan-dahil-lahat-naman-tayo-magkababayan/">https://balita.net.ph/2022/05/10/hiling-ni-alex-gonzaga-sana-ay-tapusin-na-ang-bangayan-dahil-lahat-naman-tayo-magkababayan/
Sa comment section nito, makikita ang komento ni Blaster.
"Seryoso ka ba?"
Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.
"Akala ata nila nagbabardagulan tayo dahil ayaw lang natin magpatalo or dahil gusto lang natin manalo yung kandidato, wala lang trip-trip lang. Sis nakikipag-away kami para sa future ng bayan. Kahit sinong matino/transparent na candidate iboboto namin."
"Negative campaigning - negative result."
"Char feelingerong may malaking ambag. Acceptance is the key chey."
"Yes we are serious, why don't you accept the reality. And it's a majority spoken. Acceptance is a key. If you cannot accept it then fly and migrate to other country. See you in next 6 years."
Samantala, ibinahagi rin niya ang isang tweet na sagot niya kung bakit natalo raw si presidential candidate at Vice President Leni Robredo.
"Kaya natalo si Leni dahil sa negative campaigning niya."
"Sayang dapat pala naging anak na lang siya ng Dictator na maraming human rights violation tapos nanahimik na lang siya at hindi nag-attend ng debate baka nanalo pa siya kung ganon."