Nagdiwang ang Malacañang matapos mahablot ng Pilipinas ang unang gintong medalya sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Vietnam nitong Miyerkules.
Napitas ni Mary Francine Padios ang nasabing medalya nang matalo si Indonesian Puspa Arumsari sa women’s artistic seni tunggal event ng 2021 SEA Games sa Bac Tu Liem Gymnasium nitong Mayo 11.
Nagpaabot din ng pagbati ang Malacañang sa nasabing atleta.
“The Palace congratulates Mary Francine Padios for bringing pride and glory to the country by winning the first gold medal for the Philippines in Pencak Silat Women’s Seni (Artistic) Tunggal single event in Vietnam,” pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar.
“Congratulations. We are proud of you,” dagdag pa nito.
Umaasa rin ang opisyal na makahahakot pa ng medalya ang iba pang Pinoy na kasali sa kumpetisyon.
“Good luck to the rest of our athletes in Team Philippines. Mabuhay ang atletang Pinoy sa Hanoi,” sabi pa nito.
Argyll Geducos