Buo pa rin ang tambalang Bise Presidente Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan ngunit sa pagkakataong ito, hindi para mangampanya kundi para magpasalamat sa mga sumuporta sa kanila.

Kinumpirma ni Pangilinan na dadalo siya sa pagtitipon sa Maynila, na nauna nang nabanggit ni Robredo, upang magpasalamat sa mga volunteers.

"Sasamahan ko si VP Leni sa Mayo 13 sa pagtitipon na gaganapin sa Maynila upang iparamdam ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa ating kampanya. Sa ngayon, isang mahigpit na yakap muna ang aking handog sa lahat. Walang iwanan," tweet ni Pangilinan.

National

Dahil sa bagyong Nika: Catanduanes, itinaas sa Signal #1

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1523960701278367744

Binigyang pagkilala ni Pangilinan ang mainit na suporta ng volunteer mula filing of candidacy hanggang sa araw ng halalan.

"Mula filing hanggang sa araw ng halalan, hindi ninyo kami iniwan. Hindi ninyo ipinagdamot ang inyong oras, talento, at resources upang mapalakas natin ang panawagan para sa isang gobyernong tapat," pahayag ng senador.

Aniya, ipinakita ng volunteers at supporters, hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo, ang nagkakaisang kampanya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng taumbayan.

Dagdag pa ni Pangilinan, hindi lamang ang taga-suporta nito ang kasalukuyang pino-proseso ang mga nangyayari kundi maging sila rin.

"Hanggang sa mga oras na ito ay marami sa inyo ang pino-proseso pa rin ang lahat ng nangyari kahapon. Hindi kayo nag-iisa dahil narito kami at ramdam namin kayo. Marami din kaming katanungan na patuloy naming hinahanapan ng kasagutan," ani Pangilinan.