Napa-react ang sumikat na panelista sa SMNI debates at UP professor na si Prof. Clarita Carlos sa reaksiyon ni Kakie Pangilinan, anak nina Megastar Sharon Cuneta at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan, sa pangunguna sa partial at unofficial results ng halalan ni presidential candidate at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.
Ayon sa panayam kay Kakie, nang dumalo siya sa rally ng kabataan sa Palacio del Gobernador nitong Mayo 10 upang iprotesta ang umano'y kahina-hinalang 'dayaan' sa Comelec, wala siyang ituturing na pangulo na may apelyidong 'Marcos'.
"Sabi ng iba na we have to accept defeat daw na hindi tayo marunong matalo. I think that the truth is, it's not just about this election anymore… I'm not going to have my president be named Marcos again! Ever! We all know what's right and wrong. If we are not here to stand up, if we are not here to fight, eh ano pa ang ginagawa natin dito sa Pinas?"
Ibinahagi ito ni Prof. Carlos na may caption na "My dear child… I hear you… but I need to understand where you are coming from… can you write a 5,000 word essay defending your declaration? Thank you."
Samantala, wala pang reaksiyon si Kakie tungkol dito.