Iginiit ni Senator Leila M. de lima na patuloy pa rin siyang humuhugot ng lakas mula sa kanyang mga tagasuporta na hindisiya iniwan sa panahon ng kanyang pagkandidato sa pagka-senador.
“Gaya ng lagi, sa nakalipas na mahigit limang taon ng aking hindi makatarungang pagkakakulong, kumukuha ako ng lakas sa Diyos, sa aking pamilya, mga kaibigan, mga staff at supporters. Humuhugot ako sa inyo ng inspirasyon at pag-asa sa harap ng sanlaksang negatibismo at duda. Sa inyo pong lahat na bumoto, nangampanya, nagbahay-bahay, nagkabit ng mga tarp, namigay ng flyers, at nag-ambag ng oras, enerhiya at talento, ang aking walang hanggang pasasalamat," ani De Lima.
Aniya, mabigat ang laban sa umpisa pa lamang, gayunman, hindi siya iniwan ng kanyang mga tagasuporta na patuloy na nagtiwala at hinding-hindi niya makakalimutan ang tatlong buwan na pangangampanya.
Sinabi pa nito na hindi niya pinagsisihan ang kanang pagtaya sa mga isyu, lalo na sa usapin ng karapatang-pantao at ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa oportunidad na magsilbi sa sambayanan bilang mambabatas.