Ang pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng susunod na administrasyon ay kung paano ibabalik ang ekonomiya ng Pilipinas sa pre-pandemic level, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian noong Miyerkules.
"In my personal analysis, the most important thing here is how to bring back the economy to the pre-pandemic level. That is a priority, that should be the priority of the next administration,” ani Gatchalian sa isang panayam sa One News PH.
Si Gatchalian, na nasa ikaapat na ranggo sa 2022 senatorial race batay sa partial at unofficial count na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) transparency server, ay nagsabi na ang susunod na pamahalaan ay dapat magbigay ng prayoridad na pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga “low hanging fruits that we can tap.”
Ang turismo, aniya, ay isa rito: “I’ve been ging around the country a lot lately and to my discouragement, air traffic has gone back to pre-pandemic level. It is a good sign, but it is a bad phenomenon. But it goes to show that people are raring to go, the increasing demand in tourism, we need to tap that,” aniya.
“But we need to fix infrastructures, we need to fix those delays but that is a low hanging fruit,” sabi ni Gatchalian.
Bukod pa rito, sinabi ni Gatchalian, ang turismo ay isang “gem that we haven’t exploited in our country.”
Batay sa partial at hindi opisyal na mga bilang, ang kandidato sa pagkapangulo at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay nangunguna sa karera ng pagkapangulo noong Mayo 2022, katulad din ng pamumuno ng kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte sa karera ng pagka-bise presidente.
Ayon kay Gatchalian, ito ang nairekomenda na niya kay Marcos Jr.
“This is what I recommended to him to jumpstart our economy because tourism is actually one of the fastest ways to invigorate the countryside because money will go straight to the pockets of our people there,” sabi niya.
Hannah Torregoza