Halos 80 certificates of canvass (COC) ang na-canvass na ng Commission on Elections (Comelec) sa Philippine International Convention Center Forum Tent sa Pasay City ngayong Miyerkules, Mayo 11.
Ang Comelec en banc, na nakaupo bilang National Board of Canvassers, ay nag-canvass ng mga boto para sa senador at partylist sa naganap na Mayo 9 na botohan.
Kabilang sa 77 COC na na-canvass ay ang mga sumusunod na San Juan, Korea, Batanes, Las Piñas, Malaysia, Catanduanes, Singapore, Romblon, Lebanon, Oman, Brunei, Zambales, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, Camiguin, Agana, Siquijor, Thailand, Athens, Biliran, Pasig, Marinduque, Valenzuela, Tarlac, Guimaras, Marikina, at Dinagat Island to mention a few.
Noong Martes, na-canvas ng NBOC ang walong COC mula sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Baguio, at Malabon.
Nakatakdang mag-canvass ang Comelec NBOC ng kabuuang 173 COCs.
Hinahanap ng poll body na iproklama ang mga nanalong senador at partylist sa loob ng linggong ito.
Leslie Ann Aquino