Nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya sa resulta ng partial at unofficial results ng halalan si Kapamilya actress Andrea Brillantes, na bumoto sa kauna-unahang pagkakataon nitong Mayo 9.

Sa kaniyang social media post noong Mayo 9, masayang ibinahagi ni Andrea na nakaboto na siya nang mag-selfie siya at ipakita ang kaniyang daliri na may indelible ink. Naka-finger heart pa nga ang aktres.

"Para sa bayan," saad niya sa caption.

Sa gabi ng Mayo 9 ay makikitang excited nang malaman ni Andrea kung ano ang magiging resulta.

"Natatakot na po ako…" aniya sa kaniyang tweet noong Mayo 9, bandang 8:52 ng gabi.

https://twitter.com/iamandrea_b/status/1523646973953572864

Sa isa pang tweet, "Minsan mapapa-wtf ka na lang talaga."

Kasunod nito ang litanyang "Wala na akong pake sa respect my decision eme na 'yan! Sorry pero nakaka-disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!" bagama't sa ngayon ay hindi na mahagilap ang naturang tweet, ngunit naging maagap naman ang mga netizen na mai-screenshot ito at maibahagi sa social media.

Screengrab mula sa Twitter/Andrea Brillantes

"Papakalma muna ako goodbye," aniya pa sa isang tweet.

https://twitter.com/iamandrea_b/status/1523656853477281793

Hayagang sinuportahan ni Andrea ang kandidatura ng Leni-Kiko tandem.