Nagbigay ng reaksiyon ang direktor ng 'VinCentiments' na si Darryl Yap sa naging pahayag ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo nang dumalo ito sa ginanap na misa sa Metropolitan Cathedral sa Naga City kahapon ng Mayo 10, 2022.
Ayon kay VP Leni, hindi natatapos ang laban sa pagkatalo sa halalan, lalo't malaking-malaki ang lamang ng boto ng kalabang si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na nasa unang spot.
Hinikayat ni Robredo ang mga bumoto sa kaniyang tagasuporta na huwag bumitiw sa ipinaglalaban---ang pagkakaroon ng gobyernong tapat.
"Hindi ko siya kino-consider na pagkatalo dahil marami tayong na-achieve ngayong election na ito," pahayag ni VP Leni na nasa wikang Bicolano.
"Mayroong mas malaking laban."
Dagdag pa niya, ang mahalaga raw ay nabuksan ang kamalayan ng mga tao upang maghangad ng mas maayos na pamamahala sa bansa.
Sey naman ng direktor, "Pagkatalo po 'yan, pero puwede namang hindi umastang talunan. Tama na po," aniya.
Sa isa pang Facebook post, "“HINDI ITO PAGKATALO. So ano 'yun? Praktis lang?
Si Yap ang direktor ng 'Kape Chronicles', 'The Exorcism of Lenlen Rose', 'Baby M', at 'Mosang' series ng VinCentiments.