CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga — Daan-daang mga nagprotesta sa Bataan, Bulacan at Angeles City ang mapayapang nadispersa ng mga awtoridad ng pulisya noong Martes, isang araw pagkatapos ng pambansang halalan kung saan nakita ang pangunguna nina dating Senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte sa partial and unofficial tally of votes.

Ang mga nagprotesta kabilang ang Anakbayan-Bataan chapter, gayundin ang mga mag-aaral ng UP Clark- Subic na nagtipon sa Plaza de Mayor, Balanga City, Barasoain Church sa Malolos City at Plaza Miranda sa Angeles City ay tutol sa resulta ng halalan.

Ipinalabas din ng mga raliyista ang kanilang mga hinaing sa iba pang isyu tulad ng labis na buwis at VAT at ang sinasabi nilang malawakang korapsyon.

“Reports reached us that people started to gather at around 11 a.m. and their program ended immediately because they were peacefully dispersed by our men on the ground since they have no permit to rally,” ani Brigadier General Matthew P. Baccay, regional director ng Police Regional Office 3.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, pitong indibidwal ang arestado dahil sa paglabag sa liquor ban sa Bataan, Pampanga, Tarlac at Olongapo City.

Inaresto ng mga tauhan ng Bagac Police si Cyril Gonzales, 31, residente ng Brgy. Ibis, Bagac, Bataan na naaksidente sa trapiko nang mabangga ang minamaneho nitong sasakyan sa isa pang sasakyan. Halatang lasing si Gonzales na kinumpirma ng breath analyzer o liquor test.

Ang iba pang naaresto ay sina Reynaldo Adulyo, 32, at residente ng Sitio Camino, San Isidro, San Luis, Pampanga Christian James Alba, 28, New Asinan, Olongapo City, Renz Mariano, 29, Sta Rita, Olongapo City at Jake Carl Bryan Nerza, 29 , New Banicain, Olongapo City at Antolin Balagtas at dalawang iba pa.

Liezle Basa Inigo