Matapos kuwestyunin ang panawagan ni Alex Gonzaga-Morada sa lahat ng mga nagkagalit-galit dahil sa halalan na magkabati na, muling bumanat ang miyembro ng bandang IV of Spades na si Blaster Silonga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/11/miyembro-ng-bandang-iv-of-spades-pasimpleng-binakbakan-si-alex-gonzaga-seryoso-ka-ba/">https://balita.net.ph/2022/05/11/miyembro-ng-bandang-iv-of-spades-pasimpleng-binakbakan-si-alex-gonzaga-seryoso-ka-ba/

Sinagot niya sa kaniyang tweet nitong Mayo 11 ang mga komentong kaya raw 'natalo' o pangalawa lamang sa ranking si Vice President Leni Robredo ay dahil sa negative campaigning nito.

“Kaya natalo si Leni dahil sa negative campaigning niya."

"Sayang dapat pala naging anak na lang siya ng Dictator na maraming human rights violation tapos nanahimik na lang siya at hindi nag-attend ng debate baka nanalo pa siya kung ganon," aniya.

https://twitter.com/Bsilonga/status/1524234191486955520

Marami sa mga netizen ang nagsabing ang pinariringgan niya ay ang kasalukuyang nangunguna sa partial at unofficial election results na si dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.