Nakuha ni incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto ang pangalawang termino upang magbigay ng bukas at tapat na pamamahala sa mga mamamayan ng Pasig matapos manalo sa local elections nitong Mayo 9.

Siya ay ipinroklama ng City Board of Canvassers (CBC) nitong Martes ng umaga, Mayo 10 matapos ang 12 oras ng canvassing mula sa 612 na presinto.

Nakakuha si Sotto ng 335,851 votes base sa huling tally ng CBC.

Ipinroklama rin ang kaniyang running mate na si bagong Vice Mayor Robert "Dodot" Jaworski Jr., na nakatanggap ng 205,250 votes.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Nanalo rin ang matagal ng kaalyado ni Sotto sa House of Representatives na si Congressman Roman Romulo na may 304,157 votes. 

Sa canvassing ng mga boto, inaasahang mananalo si Sotto at ang majority ng kaniyang slate sa Giting ng Pasig. 

Samantala, sa 100 porsiyento ng election returns na natanggap, sa partial, unofficial count sa pamamagitan ng Commission on Elections (Comelec) Transparency Media Server dakong 6:17 ng umaga, ang kalaban ni Sotto na si dating Vice Mayor Christian "Iyo" Caruncho-Bernardo ay nakatanggap ng 45,604 na boto.

Ang mga kalaban naman ni Jaworski na sina Jun Jun Concepcion at Christian Sia ay nakakuha ng 87,716 at 76,028 na boto, ayon sa pagkasunod-sunod.

Sinabi ni Sotto na itutuloy niya ang mga pagbabago at pag-unlad na kaniyang nasimulan sa lungsod.