Pinasalamatan ng labor lawyer na si Luke Espiritu ang higit tatlong milyong botong nakuha sa pinakahuling partial and unofficial tally ng botohan sa pagka-senador.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Mayo 10, nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa mga Pilipinong naniwala sa kanyang hangarin sa Senado. “Taos pusong pasasalamat doon sa mga nagsasabing sinayang ng kalakhang botante ang ating kandidatura at mas pinili pa ang artista,” mababasa sa kanyang paskil.

Naniniwala rin ang tagapagtanggol ng manggagawa na dapat hindi sayangin ang higit tatlong milyong boto na nakuha niya para sa hangaring mabago ang tinawag niyang sistema.

Dito nanindigan ang labor lawyer na magpapatuloy siya “mula electoral tungo sa political na pakikibaka!”

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Samantala, ibinahagi rin ng abogado ang kanyang pangako na una niyang binanggit sa isang panayam sa oras na hindi siya palaring manalo sa halalan.

"I promise six years of struggle. We will shift right away to the struggle for democracy. Immediately shift against this worst type of elite rule. We will be at the forefront of this struggle," aniya.

Sa pag-uulat, nasa ika-34 na puwesto si Espiritu sa partial and unofficial tally ng botohan sa pagkasenador.

Kasalukuyang nakakuha ito ng higit 3.4 milyon na boto sa 98.01 porsyento na election returns mula sa datos ng Commission on Elections (Comelec).