Labis na nagpapasalamat si Manila Mayor-elect Honey Lacuna sa Panginoon at sa kanyang mga tagasuporta, volunteer groups, mga miyembro ng media at vloggers, sa kanilang tulong na nagresulta upang mapagwagian niya ang halalan nitong Lunes, at makapagtala ng kasaysayan, bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng lungsod.

“Above all, I thank the Lord for the guidance I received and my family, specially my parents and Mayor Isko Moreno, for their all-out support,” anang Mayor elect ng Maynila nitong Martes.

Sa isang panayam, tiniyak rin ni Lacuna na siya at ang kanyang running mate, na si vice mayor-elect Yul Servo, ay magsisilbi ng buong puso at buong alab sa Maynila at lalo pang i-aangat ang lungsod, base sa mga napasimulan na nila ni Domagoso.

“The victory of nearly the entire slate of their local party Asenso Manileno is a validation of the appreciation of Manilans for all the programs initiated byMayor Isko Moreno-Vice Mayor Honey Lacuna administration,” aniya pa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Tiniyak din ni Lacuna na itutuloy niya ang mga kasalukuyang benepisyo para sa iba't ibang sektor at hindi ito pangako lamang.

Matatandaang ilan sa mga biyaya na kasalukuyang tinatamasa ng mga residente ng Maynila angmonthly financial assistance para sa mga senior citizens, university students, solo parents at mga persons with disability.

Gaya naman ni Lacuna, si Servo ay nakapagtala rin ng malaking boto at malaking agwat na kalamangan sa kanyang mga katunggali.

Pinasalamatan din niServo sina Domagoso at Lacuna dahil sa ibinigay nilang suporta.

“I will be supportive vice mayor who will never be in the way of progress and taking care of the welfare of Manilans,” pangako pa ng bagong bise alkalde.