Trending topic sa Twitter noong Lunes, Mayo 9, ang mga batikang mamamahayag na sina Karen Davila at Mel Tiangco dahil sa kanilang mga pahayag tungkol sa mga aberya sa mga vote counting machine (VCM).

Sa panayam ni ABS-CBN broadcaster Karen Davila kay Commissioner George Garcia, sinabi niya ang tungkol sa panawagan ng mga tao na palawigin pa ang oras ng botohan.

"Ano ba ang kakailanganin para ang Comelec en banc ay magdesisyon na i-extend? Dalawang oras lang naman po ang hinihingi, iba't ibang kandidato na ang nananawagan na i-extend ng dalawang oras," ani Davila kay Garcia.

Gayunman, sinabi rin ni Davila na hindi kasalanan ng tao at ng pandemya kung bakit humaba ang pila.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"And mind you Commissioner ha hindi kasalanan ng pandemya kung bakit nagkaganito ang pila. Ang mga VCM po. Apat na oras nakatayo sa pila ang mga tao para bumoto. Paano naging kasalanan ng mga tao at paano naging kasalanan ng pandemya 'yon?What will it take to change the Comelec en banc's mind?," sunod-sunod na pahayag ni Davila.

Samantala, may pahayag naman ang GMA News anchor na si Mel Tiangco tungkol sa naging aberya sa botohan.

Inihayag niya ito habang kausap kahapon ang GMA reporter na si Tina Panganiban-Perez.

"Tina, syempre yung mga ganoong aberya bagaman tingin ng ilang taga Comelec eh maliit na bagay o isang bagay na hindi ganoong makakaapekto sa sitwasyon natin sa botohan. Hindi mo maiaalis eh, lalo na doon sa poll watchers, dyan sa mga citizens arm-- yung mga nagbabantay 'no para magkaroon tayo ng malinis at magandang kalakaran ngayong eleksyon," saad ni Tiangco.

"Hindi mo maiaalis yun eh. Pagdududahan eh. 'Di ba kapag ka ganyan nagiging suspect kaya bago tayo mag-eleksyon, kung maalala mo ay nagkaroon yan ng malawakang pag-eksamin diyan sa bawat na VCM na yan, 'di ba? para maiwasan precisely itong mga ganitong mga kaganapan para sa ikagaganda ng ating pagtingin o ng ating pagtiwalasa magaganap o nagaganap na botohan.

"Ano raw ba ang kinulang at bakit hindi nakamit yun? Nagkaroon pa ng mga tinatawag nacontingency VCM naalala mo, Tina? Meron pang mga ganun eh. At katunayan, imbis na napakarami dati nung huli nating eleksyon napakarami more than 12,000, binaba nalang nila yan sa mga mahigit isang libo-- then they were almost sure na hindi na papalpakyang mga VCM but there has gotta be a very good reason na sasabihin ng Comelec kung bakit nagkaganyan, sunod-sunod. Kanina pang umaga, VCM nang VCM nang VCM ang mga problema," paglalahad ni Tiangco.

Ang mga pahayag nina Davila at Tiangco ay sinang-ayunan ng mga netizens sa Twitter.