Iginagalang ng aktor at certified Kakampink na si Jake Ejercito ang resulta ng halalan at masaya siyang mapatunayang mali ang kanyang mga pangamba sa administrasyong isusulong ni Bongbong Marcos Jr., bilang nangunguna sa partial and unofficial tally ng botohan sa pagkapangulo.
“The true winner is bigger than anyone who participated in the political exercise. More than anything, I see it as years of manipulation and vast disinformation prevailing,” ani Jake sa isang Facebook post.
Pinasalamatan din ng aktor ang tandem nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na nagsilang sa tinawang niyang “movement.”
“The movement your candidacies sparked is indeed unlike any other our country has seen and that is already a victory in itself. Hindi man nakuha ang pinangarap na resulta, walang pagsisisi sa pakikipaglaban,” saad ni Jake.
Mensahe naman ng aktor sa kapwa Kakampink, “weep if you must. But be proud and not disheartened.”
Dagdag niya, “Marahil kinapos tayo o hindi pa talaga handa ang karamihan, pero nanalo pa rin tayo. Hindi sa balota, kung hindi sa natuklasan at nararamdaman nating pag-asa. Wag natin sayangin.”
Nananatiling positibo ang aktor at kinikilala na marami pang kailangang trabahuin para sa sambayanang Pilipino.
“There’s more work to be done— para pa rin sa lahat .”
Kilalang naging masugid na tagasuporta si Jake sa buong kampanya ng Leni-Kiko tandem.