Nakiusap ang actress-TV host-vlogger na si Alex Gonzaga-Morada, kapatid ni Toni Gonzaga, na sana raw ay tuluyan nang matapos ang mga bangayang naidulot ng politika, ayon sa kaniyang tweets nitong Mayo 9.

"Sana lahat ng nag-away magkabati na," unang tweet ni Alex.

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1523632348197138433

Sa pangalawang tweet naman, "Sana ay tapusin na ang bangayan dahil lahat naman tayo magkababayan. God bless the Philippines!"

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1523633445796081666

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga bumoto sa kaniyang mister na si Mikee Morada na reelectionist sa pagkakonsehal sa Lipa City.

"Thank you Lipeños!!!! Mahal namin kayo!!! Salamat sa pagmamahal sa asawa ko nakakaiyak!" aniya.

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1523675817502380032

Umani naman ng iba't ibang reaksyon at komento ang kaniyang tweets.

"Yeah… tama na ang mga awayan. Nagsalita na ang taumbayan. Sabi nga ni Toni sa mga spiel niya sa miting de avance, may nanalo na noon pa man."

"Madali sa'yo magsabi, kasi pa vlog-vlog ka lang."

"Sabihin mo 'yan sa mga taong naghihikahos sa buhay, na kahit anong kayod nila, hindi makaahon dahil kinukurakot ng mga sinusuportahan n'yong magnanakaw ang pag-upo nila sa poder. Nakakahiya kayo."

"Hindi ito simpleng away Catherine years of misinformation, historical revisionism, pagbalewala sa mga libo-libong pinatay at bilyong pera ang ninakaw ang pinaglalaban at hinahanapan ng hustisya. Kilabutan ka naman."

"Bakit kasi hindi n'yo matanggap ang susunod na uupong presidente? You always bring up the 'magnanakaw' card. Have you watched his interviews about that matter yet? Huwag feeling educated kung kulang ka naman knowledge. 1st time voter pa nga."

"Misinformation about Marcoses kaya naloko dati ang mga Pilipino ng mga Dilaw (na Pink na ngayon)."

Samantala, wala pang reaksyon o komento si Alex tungkol dito.