Matapos bigong makalusot sa “Magic 12” sa pinakahuling partial and unofficial tally ng botohan sa pagka-senador, nakatakda namang magbalik sa kanyang “first love” si dating presidential spokesperson Harry Roque.

Sa serye ng tweets gabi ng Lunes, Mayo 9, pinasalamatan ng senatorial candidate ang lahat ng mga nagpakita ng suporta sa kanyang kandidatura.

Binati rin nito ang ngayo’y nangungunang tandem nina dating senador Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa pinakahuling unofficial and partial tally ng presidential and vice presidential race.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

https://twitter.com/attyharryroque/status/1523672122895200256

“Thanks to all who made our “magical” run possible,” ani Roque sa kanyang tweet, gabi ng Lunes.

“I am humbled by the support which we received and congratulate Apo Bongbong Marcos, Inday Sara Duterte, and all those who will be serving in the 19th and 20th Congresses of the Philippines in the Senate,” anang dating Malacanang spox.

Pagbabalik bilang abogado naman ang plano ni Roque matapos ang eleksyon.

Kasalukuyang nasa ika-17 si Roque sa partial and unofficial tally of votes ng Commission on Elections (Comelec) sa botong nasa halos 11 milyon.