Tatalima sa pasya ng taumbayan. Ito ang mensahe ni Senador Dick Gordon matapos mag-concede na rin sa senatorial race ngayong Martes, Mayo 10.

“The people have spoken, and I bow to their will. I congratulate those who have won and wish them success in the enormous task that lies ahead,”ani Gordon sa isang pahayag.

“I will forever desire victory and unity for our country and I pray that the Lord guide all our newly-elected leaders as they endeavor to move our nation forward,” dagdag niya.

Pinasalamatan din ng mambatatas ang mga nagpakita ng suporta sa kanyang kandidatura gayundin ang mga naniwala sa kanya hanggang sa dulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“To those who believed and stood with me to the end, I am deeply grateful,”aniya.

Isang karangalan para kay Gordon na mapagsilbihan ang taumbayan sa loob ng 53 taon.

“In the last 53 years, it has been my honor to serve our people whether I have been in position or not. The title does not matter as much as the heart we have for this great nation,” aniya.

"So we move forward today with courage, our heads held high, with no regrets, and even more committed to bring peace, prosperity, upliftment, and dignity to the life of every Filipino,” dagdag ng senador.

“We look to the Lord to always give us the strength and commitment to do so."

Kilala si Gordon sa kanyang pamumuno sa Senate Blue Riboon Committee lalo na ang kaso ng Pharmally Pharmaceutical company ukol sa umanong maanomalyang pagwaldas ng pondo ng gobyerbi para sa ilang COVID-19-related procurements.

Sa partial and unofficial tally of votes ng Commission on Elections, sa pag-uulat, nasa ika-22 puwesto si Gordon sa botong 8,270,547.