Wala pang naidedeklarang failure of elections ang Commission on Elections (Comelec) sa anumang lugar sa bansa, sa kabila nang ilang naiulat na karahasan at pagkakaaberya ng ilang vote-counting machines (VCM) noong araw ng halalan.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia nitong Martes na wala pa silang natatanggap na anumang petisyon na humihiling na magdeklara sila ng failure of elections.

“Wala po sa kasalukuyan tayong natatanggap na kahit anong petition man to declare a place under—a failure, that there is a failure of election in that particular place. Wala po. Kahit po sa mga citizen o sa mga kandidato na mayroon doon sa lugar na iyan,” ani Garcia, sa isang pulong balitaan.

“So, so far po, wala po tayong na-declare na failure of election sa buong bansa,” aniya pa.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Tiniyak rin naman ni Garcia na kung may lugar na maghahain ng petisyon para sa failure of elections, ay pag-aaralan din nila itong mabuti kung ‘justifiable’ ba ang rason nito.

“Hinihintay po natin iyan at titingnan natin, aalamin natin kung madya-justify iyong sinasabi nilang failure of election,” aniya pa.