Nanghinayang ang Kapamilya actress, dating Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity housemate at calendar girl ng Ginebra San Miguel na si Chie Filomeno sa hindi pagpasok sa top 12 ng senatorial candidate na si Atty. Chel Diokno batay sa partial at unofficial result ng halalan 2022, na naganap noong Mayo 9.

Hindi lamang kay Atty. Chel nanghinayang si Chie kundi maging sa iba pang kandidatong 'nasayang'.

"Sinayang n'yo si Chel… ang daming sinasayang!!!!" saad ni Chie sa kaniyang tweet nitong Mayo 9 ng gabi.

Tila may pinaringgan naman siya sa kasunod na pahayag.

"Yun talaga NUMERO UNO n'yo?!"

https://twitter.com/ChieFilomeno/status/1523521541769957376

Bagama't walang binanggit na pangalan ng kandidato at dahil si Atty. Chel ay tumatakbong senador, ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay si Robin Padilla, na siyang nanguna sa pagkasenador batay sa partial and unofficial election results.

Bago nito, aktibo rin si Chie sa pagpapaalala sa mga botante sa nararapat nilang gawin matapos ang pagboto, lalo na kung sira ang VCM.

"IKAW MISMO ANG DAPAT MAGPASOK NG BALOTA MO SA MAKINA. WAG NA WAG IPAPAHAWAK SA IBA ANG IYONG BALOTA AT KUNG SIRA ANG VCM ANTAYIN NA LANG PO MAAYOS YUNG MAKINA AT WAG KALIMUTANG ICHECK ANG RESIBO," aniya.