Binati ng aktor na si Cesar Montano si dating Senador Bongbong Marcos dahil sa pangunguna nito sa partial and unofficial results ng Comelec. Tinawag na rin niyang "presidente" si Marcos.
"Presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. that is the voice of the people, the voice of God. Pangulo sya ng lahat ng Pilipino, lahat. Hindi lang ng mga bumoto sa kanya, kundi pati na din dun sa mga ayaw sa kanya," saad ni Montano sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Mayo 10-- isang araw matapos ang eleksyon.
Mayroon din siyang panawagan sa mga may ayaw kay Marcos.
"You have to respect the decision of the majority. Dapat siya tulungan at suportahan... kung talagang mahal natin ang bansa natin dapat ganyan ang maging pananaw ng bawat Pilipino," ayon pa sa aktor.
Ibinahagi rin niya ang naging datos ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
"Marcos Sr. was a majority president in 1965 with 51.94% of the votes and in 1969 with 61.47%. After EDSA in 1986, wala ng naging majority president. until now, it seems Marcos Jr. will exceed 32M votes," aniya.