Magpapatupad ng bagong toll rates simula sa Mayo 12 sa CAVITEX Parañaque Toll Plaza ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), ang concessionaire ng Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), atjoint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA).

Inaprubahan ito ng Toll Regulatory Board ang 2011 at 2014 contractual tariff adjustment toll petitions ng CIC at PRA, gayundin ang add-on toll petition nito para sa pagtatapos ng Phase 1 at 2 enhancement work na isinagawa sa kahabaan ng CAVITEX R1 expressway noong 2020.

Kabilang sa mga enhancement works na isinagawa sa CAVITEX ay ang pag-asphalt overlay ng buong kahabaan ng CAVITEX, pagbuo ng Pacific flyover at left turn facility, at pagpapalawak ng mga tulay.

Nagsagawa rin ng heavy maintenance work sa kahabaan ng expressway upang masiguro ang maayos na kalidad ng kalsada, at kaligtasan ng mga motorista nito, na napakikinabangan ngayon ng nasa 160,000 na motorista kada araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang naaprubahang petisyon ay katumbas ng P4.62 VAT-exclusive rate kada kilometro para sa Class 1 vehicles; P9.24 sa Class 2, at P13.86 sa Class 3 vehicles na bumabaybay sa 6.48km CAVITEX R1 Expressway (mula CAVITEX Longos, Bacoor entry tungong MIA exit, v.v.) simula 12:00 ng madaling araw ng Mayo 12.

Sa pagpapatupad ng bagong rates, ang mga motorista ay magbabayad ng mga sumusunod na VAT-inclusive rates: P33 para sa Class 1 vehicles mula sa dating P25; P67 para sa Class 2 mula sa dating P50.00; at P100 para sa Class 3 mula sa dating P100.00.  

Upang matulungang maka-adjust ang mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers sa bagong toll rate, bibigyan sila ng CIC at joint venture partner nito na PRA ng toll rate reprieve sa pamamagitan ng rebate program kung saan ang lumang toll rate ang sisingilin sa kanila sa loob ng tatlong buwan.